18 July 2010

True Blue, Next to Final Encounter

"Kung sa ipaglalaban, IPAGLALABAN KITA!" ang winning statement ni ME boy sa akin ng nakasakay kami sa jeep papuntang Katipunan nang tanungin niya ako kung ano na ang nangyari sa akin at ng boyfriend ko; in short, gusto niyang maging pormal na kaming dalawa.

Bago ang mga matatamis na salitang iyon, naikot na namin ang buong UP, gawa ang mga bagay na hindi kanais-nais. Hindi ko na talaga ginalang ang sarili kong eskwelahan. Pero, wag mong malait- lait ang eswelahan ko at maghahalo ang balat sa tinalupan, MAHAL KO ANG UP! Ang UP daw ay ang "Premiere University" sa Pilipinas, tahanan ng mga matatalino; ang institusyong humuhubog sa kaisipan ng mga pag- asa ng bayan. Okey, sige na nga, kasama ang ATENEO, period!

Halikan sa hagdan sa Harap ng Casaa; Subuan at Lunukan sa burol sa may Swimming pool; haay, "Sa Iyo UP Maraming Salamat." Di lang mga Diktador at Pangulong Magnanakaw ang iyong hinuhubog, pati na rin ang mga sekswalidad ng mga taong katulad namin.

Marahil, unti- unting gumuho ata ang mundo ni ME boy nang paulit- ulit kong sinabi sa kanyang maghintay. Di ko rin siya masisisi, ako man yung pag- intayin ng ilang buwan at sabihan ng "Oo, sasabihin ko sa kanya." Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nga ganoon ang pinaggagawa ko. Dahil nga ata may Kakatihang taglay ang Dereck kaya saka lang niya naisip na si ME boy ay seryoso sa kanya.

Dumalang ang text ni ME boy, dumalang ang aming pagkikita. At nang sa wakas ay nagawa ko na ang matagal nang iniintay ni ME boy...

Hindi na niya ako mahal.

ME boy, sabi ng aking kaibigan; sa buhay ko ikaw ay ang... "the one that got away."

2 comments: